Pages

Social Spark

Sunday, May 15, 2011

Part IV – The Proposal (In Filipino "Tagalog" dialect)


Tumigil ang pag pintig ng puso ni Steph, hindi sya gumalaw at lumingon kay Damon...
I missed you” pabulong na sabi ni Damon sa kanyang likod.
Dahan dahang limingon si Steph at ngumiti “Hi”... ‘yun lamang ang nasabi nya matapos matulala sa kagwapuhan ng binata... Naka khaki shorts and white shirt si Damon... napaka simple ngunit ang lakas ng dating.
“Ang ganda ng bahay mo, mag isa ka lang ba dito?”....
”Oo, salamat, but if you would say yes sa aking offer na dito ka na tumira, hindi nako mag-iisa, besides masarap mag-aral dito, tahimik at safe, may guest room ako sa taas, pwede mong maging kwarto yun.”...
Hindi ‘yun inaasahan ni Steph kaya hindi sya nakasagot agad... Nagkunwari na lamang itong wala syang narinig.
“Akala ko ba pakakainin moko ng lunch”....pataymaling sagot ni Steph.
“Syempre, handa napo ang pananghalian ninyo kamahalan”, malambing na sagot ni Damon.
Dinala sya ni Damon sa ikalawang palapag.  Napasinghap si Steph sa paghanga, Di nya akalain na sa second floor pala ay isang malawak na hardin, napakaganda ng pagkakalandscape ng lugar, overlooking ito sa kabundukan.  Sa bandang unahan ay isang infinity pool, at sa gilid nito ay, kung hindi sya nagkakamali, isang Jacuzzi...
“How do you like having lunch by the pool sweetheart?”, Tanong ni Damon.
“Im speechless, thank you”, pag amin ni Steph.
Tinungo nila ang table kung saan ipinahanda ni Damon ang kanilang lunch.
“Dig in, wag kang mahiya”, pag-imbita ni Damon
”Nag iisang anak ka ba?”..di nya napigilang magtanong, saka sya ngsimulang kumuha ng pagkain.
“Ha, ba’t mo naman naitanong?”, gulat si Damon.
“Kase sa lahat ng nakikita ko, mukhang provided lahat ng gusto mo at tila wala ka ng mahihiling pa?”, sagot ni Steph.
“Hindi, dalawa kaming lalaki, ako ang bunso...Si kuya Alfred, sampung taon ang agwat namin... Nasa Las Vegas naman sya naka base.”...
“Bakit pinili mong dito mag-aral sa Pilipinas when obviously your parents can afford to send you to a prestigious school in the States?.”, dagdag ni Steph.
“Um, nasa hot seat ba ako, mukha yatang ineenterogate mo na ako a”, biro ni Damon..
“Ah..never mind I asked”...nagpatuloy sa pagkain si Steph
Tahimik rin si Damon habang pinagmamasdan sya...Hindi makakain si Steph ng maayos dahil ramdam nya ito... wag mokong titigan pls, matutunaw ako... sigaw ng isip nya..
“Please don’t look at me like that”..di nakatiis si Steph
“Like what?”, nagtatakang tanong ni Damon
“I don’t know, para kaseng natatawa ka sa akin”...
“Naisip ko lang kase, matakaw ka pala”...natatawang sabi ni Damon
Di napigilan ni Steph ang sumimangot... Naalala tuloy nya ang kanyang apat na kondisyon bago sya pumayag na pumunta sa bahay ng binata... Ipapaalala na sana nya yun ng biglang sumingit si Damon.
“Hinde, kidding aside Steph, ayaw kong mag-aral sa States, una, dahil dun na ako ng aral until highschool... I went home dahil hindi ko gusto dun, and besides come to think of it, if di ako umuwi dito e di hindi kita makikilala.”
Hindi nakasagot si Steph, tila seryoso si Damon dahil tinawag sya nito sa kanyang pangalan... Nagpretend nalang syang nagcoconcentrate sa pagkain hanggang maubos nya ito.
Si Damon naman ay nakatingin lang sa kanyang tila naaaliw.
“Do you wanna swim? Marunong ka bang lumangoy, I can teach you”
“Hindi ayaw kong maligo, but yes I know how to swim”..pagmamayabang ni Steph. “and kahit gugustuhin ko man, wala rin akong dalang panligo”..dagdag pa niya...
“May pinabili akong mga swimsuit sa taas for you, you can choose whatever fits your taste, that is, just in case you’d change your mind, masarap maligo sa pool nayan, regulated ang temperature ng water’
“No, thanks”..yun ang naisagot ni Steph kahit gustong-gusto nitong maligo.
At the age of 10 ay sumasali na si Steph sa mga swimming competitions sa kanyang school... She loves to swim at miss na miss nya nang maglangoy, it has been like a year since the last time na nakapag enjoy syang magswimming. But she kept her self control and managed to say no to his invitation.
“Ok, don’t worry di naman ako mamimilit ng ayaw”, nakangiting sagot ni Damon.
“So, how about a tour around my house first:”... Inoffer ni Damon ang kanyang kamay ngunit umiwas si Steph at tumayo ito... si Damon naman ay tila tumupad nalang sa kanilang usapan at hindi na nag attempt na hawakan sya.
“ Let’s start from the 3rd floor..” umakyat sila sa ikatlong palapag...
“The entire 3rd floor is my room and a guest room...” binuksan ni Damon ang guest room, para itong isang pad.  Dumeretso si Steph sa terrace at hindi sya nagkamali sa kanyang inaasahan... The place is so magical, para syang nasa ibang bansa.  Malamig at napakapresko ng simoy ng hangin.  Di napigilan ni Steph mag isip, ang sarap sigurong mag aral dito, walang ingay sa kapitbahay at tila napakalayo mo sa kabihasnan... Madali nyang matatapos ang kanyang thesis sa ganito katahimik na lugar.  Ngunit hindi ito mangyayari.
“Do you like the place? this will be your room should you decide to accept my offer na samahan ako”...
“Napakaganda, but I guess alam mo na ang sagot ko tungkol dyan, hindi naman ako ganun kahirap para makitira sa bahay ng may bahay, thanks but no thanks”..
“Ok, let’s go see my room then?”...“Don’t worry, I wont take advantage of you”... natatawang comment ni Damon dahil napansin nitong hesitant si Steph. “Except if  you’ll ask me to”...dagdag nito.
Matalim na tinitigan sya  ni Steph......
“Joke... I’m just joking alright, to naman, di na mabiro”..kantyaw ni Damon
Binuksan ni Damon ang isang malapad na pinto... “Welcome to my dwelling place”...
Malayo sa inaasahan ni Steph ang ayos ng kwarto ni Damon, maayos ito at mabango.  Maluwang ang kanyang kwarto at tulad ng guest room, my terrace din ito, ang malaking bed ay kulay navy blue ang mattress at nakaharap ito sa isang flat screen na ubod ng laki... She was puzzled kase napakalinis ng lugar...
“May katulong ka ba dito?”
“Yep si Nanay Belen, sya ang tagapagluto ko, pero off limit sya sa kwarto ko.”
Lalong nagulat si Steph...” Obsessive-compulsive ka ba?”..
“Ha, why do you ask ?”
“Your room is so clean and tidy, para kang bading”..babawiin sana ni Steph ang kanyang sinabi... pero huli na ang lahat... nasa harap na nya si Damon... Steph, bakit mo nasabi yun, napakataklesa mo talaga... Nagpanic si Steph, napaatras ito, ngunit bumangga ang kanyang likod sa salamin na sliding door ng terrace.
“Paki ulit nga ng sinabi mo”, seryosong tanong ni Damon habang lalong nilapit ang katawan kay Steph sabay sandal ng dalawang kamay sa glass door.
“ahhh, ang linis ng kwarto mo?”...napakagat sya sa kanyang labi
“No sweetheart, the other one.”... nilapit ni Damon ang kanyang mukha kay Steph.
God his breath smells so good, parang bibigay na ang mga tuhod ko... please God, pwede ba akong magdisappear na lang... ‘di ko yata ito kakayanin...
“Stephanie,... do I look like a gay to you sweetheart?”...halos pabulong ng bigkas ni Damon.
“Gay?, I did not say you’re a gay!!” binasa ni Steph ang kanyang mga labi unconsciously...
“God,please don’t do that.”...napatingin si Damon sa kanyang mga labi
“Do what?”....mukha yatang kakapusin na si Steph ng hininga....
“Your lips are asking me to kiss you”...
Aktong hahalikan na sya ni Damon when his phone rang... Damon sweared under his mouth... tinanggal nito ang isang kamay at sinagot ang phone... Hindi makaalis si Steph sa harap ni Damon dahil nakaharang parin ang kabilang kamay nito...
“Sally, what part of don’t disturb me did you not understand?” sagot ni Damon sa telepono...
Narinig ni Steph ang tila nag eexplain na boses ng isang babae sa kabilang linya...
“Ok, put him through..”... nag-iba ang tono ni Damon, hindi na ito galit... Nag karoon si Steph ng pagkakataong titigan si Damon at isa isahin ang parte ng kanyang mukha... He has brown eyes, thick lashes, nakatingin ito sa baba... Napakatangos ng kanyang ilong and his lips... mother of God... any woman would die to be kissed by those lips.
“Good morning sir”, pormal na sagot ni Damon sa telephone...
“Yes sir, I’ll be there, thank you”... napatingin si Damon sa kanya na mukhang nanghihinayan... Si Steph naman ay biglang umiwas ng tingin...
“Too late sweetheart, alam kong kanina mo pa ako tinititigan”....
Natauhan si Steph.. “Oo, dahil kanina ko pa gustong umalis dito kaya lang nakaharang yang mga kamay mo” mataray na pagdadahilan nya sa binata.
Tinanggal ni Damon ang kanyang kamay “Princess, will you forgive me if I leave you here with Nanay Belen for a while, I just have to meet this very important person, may kelangan lang kaming i-settle”... tila pagmamakaawa ni Damon sa kanya...
“Sure”, kaagad na sagot nya dahil yun naman talaga ang dinadasal nya kanina pa, ang makawala sa sitwasyon nila ni Damon ngayon... thank you God, for answering my prayer... tahimik na dasal nito.
“I promise to come back soon... I’m really sorry sweetheart.”
“It’s ok, take your time, I’ll be here when you come back”...you’re such a fool Stephanie.... fool but happy...
“Feel free to do whatever you like in this house, consider it yours, sweetheart... use the guest room if you feel like resting”..
“Ok, thank you”
Tinitigan sya ni Damon na tila may gusto pang sabihin... Pagkatapos ay tumalikod na ito at bumaba ng bahay...
Narinig ni Steph ang paalis na sasakyan ni Damon.

To be continued... 


Next: Part V - The Tragedy

Previous: Part III - No More Pretensions

7 comments:

  1. shall we see this steph-damon on tv soon? ;) nice one!

    ReplyDelete
  2. Ralph, have you tried submitting stories to Precious Hearts Romances, My Special Valentine and the like? I heard they're still on the lookout for writers. :)

    ReplyDelete
  3. Mukhang interesting ang patutunguhan nila Stephanie at Damon at pareho silang may pagtingin sa isa't isa/

    ReplyDelete
  4. hmm.. what can i say... nakakabitin! haha! mukhang nakakakilig...

    ReplyDelete
  5. nice story, I feel like reading it til the end. :)

    ReplyDelete
  6. Aray.. Napabasa ng todo ah. naintriga ako! Tapos to be continued pala.. hehe. Aantabayanan ko ang kwentong ito! Happy holidays!

    ReplyDelete
  7. galing a.. pedeng pang pocketbook!!!.. parang ang ganda ng bahay .. ang galing mo ipapicture sa audience mo ang scenario! galing!

    ReplyDelete