Pages

Social Spark

Tuesday, February 15, 2011

Part II – Confusions (In Filipino "Tagalog" dialect)

Confident si Stephanie na kayang kaya nyang talunin ang mayabang na lalaking kaharap. Ni hindi man lang nya naisip kung bakit pagiging girlfriend nya ang naging kondisyon nito…

Ngunit sadya yatang iba ang plano ng tadhana… di nya maintindihan, parang ang bilis ng mga pangyayari na ang sunod na narinig nalang niya ay “checkmate”… Di siya makapaniwala na natalo sya ng ganun lang kabilis… nakatingin parin sya sa screen in disbelief and in denial ng marinig nyang tumawa si Damon… “Hahaha… kahit I-analyze mo pa yan ng buong araw, talo ka talaga, at isa lang ang ibig sabihin nun…girlfriend na kita”
 Maputla ang mukha ni Stephanie sa pagkapahiya na natalo sya sa larong kabisadong kabisado nya… tila dipa yata nagsink in sa kanya ang tungkol sa pustahan nila pag natalo sya… 
“Sige, I’ll give you time to recover and digest what just happened… I’ll pick you up tomorrow at your boarding house…remember our deal sweetheart. I’ll see you tomorrow… bye Stephanie.” Pang aasar na hirit ni Damon bago sya umalis sa canteen.

Naka uwi na sa boarding house si Steph ngunit tila wala parin ito sa sarili…tumuloy sya sa banyo at naghilamos pagkatapos tumingin sa salamin.  “Steph, pls tell me this is just a dream”, kausap ang sarili sa salamin.  “Paano naman kase nangyaring natalo ka nya?... Sigurado ka bang di ka nya dinaya o baka naman nagloko yung laptop mo?”… napaluha sya sa inis… di niya naintindihan ang naramdaman… mabuti nalang di niya nabanggit kung saan ang boarding house nya sa lalaki at least alam nyang hindi mangyayaring susunduin sya nito pag ka umaga… mag aalauna na ng makatulog si Steph…

Laking gulat ni Steph ng paglabas nya sa pinto eh nandun na si Damon sa unahan nakasandal sa kanyang black BMW, this time naka faded pants and black t-shirt ang binata…Bumilis ang pintig ng puso nya…kung di nya lang kilala ang ugali ng lalaking ito eh, talagang maiinlove sya hanggang langit…He looked so yummy na walang ka effort effort…pero alam nyang my ibang agenda ang lalaki sa kondisyon nyang ito at definitely walang pagtingin ang lalaki sa kanya, Malabo…imposible.  Sa itsura pa lang nya, alam na nya kung saan sya lulugar sa mundo ng ganito kagagwapong lalaki.  Stephanie…watch your heart, don’t fall for it… masasaktan ka lang… might as well play the game nalang… If my plano syang gamitin ka, pwes gamitin mo rin sya para patas lang kayo… game on…

“Hello Princess.” malambing na bati nito sa kanya…At tinawag pa akong Princess
 “Did you have a good sleep last night?...”dagdag ni Damon.... “Anung ginagawa mo dito?” sabat ni Steph …”
"I told you, I’d pick you up this morning”…
”At pano mo naman nalaman na dito ako nakatira?”… 
“Let’s just say na malakas ang pang amoy ko… shall we go Princess, bka malate ka sa klase ni Mr Lim.”….
”a-a… there’s no way na sasakay ako dyan,… besides ayokong masira ang umaga ko.. I’d rather ride a tricycle…at saka, Stephanie ang pangalan ko hindi Princess!!”….nagsimula na syang maglakad padabog patungo sa gilid ng daan para mag abang ng tricycle…
”ok then, lets ride the tricycle together, wait I’ll just get my bag”
talaga lang ha, sasakay talaga sya ng tricycle, hahaha, masubukan nga..natatawang isip nya.

Di makapaniwala ang mga kaibigan ni Damon sa nakita nila… Pansin ni Damon ang natatawa nilang reaksyon…”Not a single word pare, alam ko nang lahat ng iniisip nyo, Bye the way, I’d like you to meet my girl..Stephanie….this is Jimmy, Douglas, Zach and Katelyn…” 
 “Hello Stephanie” bati ni Jim “napakaswerte ng kaibigan ko sayo.” dagdag pa nito… 
“Hi” lamang ang naisagot nya, mukha kaseng my laman yung salitang swerte, obviously hindi ang itsura nya ang tinutukoy ni Jim… whatever, basta ang alam nya di sya magpapagamit sa lalaking ito sa kahit anung paraan.. 
“Lets go, baka malate si Princess,” sabay akbay sa kanya ni Damon…Pwede bang pumikit at maniwala kahit isang minuto lang…he smells and feels so freaking good.  God, please lakasan mong loob ko. Nanghihina ako, parang bibigay ang tuhod ko, bakit kelangan pa nya akong akbayan, tama nang torture ung bango nya pero ang maramdaman ang katawan nyang nkadikit sa akin… it’s just too much.

Habang naglalakad sila sa corridor ay pakiramdam nya ay lahat ng mata ay nakatututok sa kanya…sa kanya nga ba o sa lalaking naka akbay sa kanya? Tila yata nagtataka at di makapaniwala ang mga taong sya ang kaakbay nito… Di naman nya masisisi ang mga ito, maging sya rin ay di makapaniwala sa mga nangyayari…

Magkatabi sila ni Stephanie sa harap ng classroom ng pumasok na ang terror na si Mr. Lim.. “Please, prepare for a long quiz class…”..haha, ngayon ko malalaman ang tunay na intension mong manloloko ka… Maingat si Steph na di makita ng iba ang answers nya, actually maingat syang di makita ni Damon ang sagot nya… tapos na sya sa pagsagot ng quiz nila at inaantay nalang nya si Damon na humingi ng sagot sa kanya, upang maipamukha nyang nagkamali ito ng tinalo… Ngunit naubos na ang oras at nakatingin parin si Damon sa kanyang papel na tila nag iisip ng sagot… nainis sya dahil, ni hindi man lang ito lumingon sa kanya o sumilip sa kanyang papel… “Ok time is up, pass your papers, finished or unfinished”…Napuzzle si Steph. Bakit kaya di sya nag attempt na humingi ng sagot sa kanya…

“Grabe, nagutom ako dun ah, tara magmeryienda tayo.” nakatayo na si Damon…nagiisip parin si Steph… 
“Princess, halika na may alam akong lugar na masarap ang pagkain ” nakangiting sabi nito…Tatanggi sana ito ngunit hawak na ni Damon ang mga kamay nya… Gusto ng pride nyang kumawala sa mga kamay nito ngunit tinalo sya ng kanyang traydor na sarili….Please steph…kahit ngayong araw lang…total malapit naman ang birthday mo… hindi naman sigurong masamang mag make believe na totoo ang lahat ng ito kahit ngayong araw lang…savor the moment and close your eyes nalang…

Sumakay sila this time ng taxi papunta sa sinasabi ni Damon na kainan. Tumuloy sila sa isang bahay, simple lang ang desenyo ng bahay ngunit makikitang malinis ito..
”kaninong bahay ito”, di sya nakatiis magtanong…” 
"dito ako tumutuloy during breaktime kase masarap ang pagkain dito at parang nasa bahay ka lang” pagmamalaki ni Damon..

“Kuya Sammy, ayan ha may kasama napo akong kakain ngayon” wika ni Damon sa isang medyo my edad nang lalake.  “Kuya isang oras at kalahati lang po ang break namin, anu bang putahe natin dyan ngayon..” 
“Naku tamang-tama tikman ninyo itong bagong recipe ko… Mang Sammy’s burito, kaya lang good for two ung isang serving kaya magshare nalang kayo…gusto kong malaman kong kuha ko ba ang panlasa ng mga kabataan.” excited na naghanda si kuya Sammy… “Sige kuya  matikman nga, si Princess ang huhusga if pasado sa taste nya”… 
Maging si Steph ay excited rin ngunit di lang ito nagpahalata… Maya-maya ay nagring ang phone ni Damon at napansin nyang nag iba ang mukha nito nang makita ang fone…
”excuse me sweetheart”…lumayo si Damon at kinausap ang tumawag sa kanya…medyo matagal rin ang pag uusap nila ng nasa kabilang linya, halata sa mukha ni Damon ang pagkainis sa kausap…”not tonight Sally, gagabihin ako sa school” yun lang ang narinig nya sa mga sinabi nito sa …Sino kaya si sally? malamang isa sa mga “girlfriends” nya. Bakit tila nagseselos sya… No way!! di pa naman ako ganun ka ilusyunada… 
“Sorry ‘bout that” apologetic na boses ni Damon. Nang makita ang nakaserve na pagkain… 
“Wow, ang laki pala ng burrito nato kuya Sam!” gulat na wika ni Damon. Maging sya ay nagulat din… pero pareho silang gutom kaya tahimik nilang pinagsaluhan ang masarap na recipe ni kuya Sam…maya’t maya ay sinusubuan sya ni Damon na kanya namang tinatanggap… My, but he can be very sweet and seems so sincere with his acts….hinayaan nalang nya si Damon, sincere or not, masarap paring isipin na sya lang ang kasama nito at wala sya sa mapanuri at mapagkutyang tingin ng ibang tao.  
“Well Princess, what can you say about the food?, nabusog ka ba?”, tanong ni Damon… 
“Hhhmmm…nabusog ako at talagang masarap ang pagkain..” honest na sagot ni steph…
 “Gusto pa sana kitang masolo kaya lang may klase pa tayo, kelangan na nating bumalik sa school…halika na” hinawakan ni Damon ang kamay nya habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng taxi... Please don’t let this moment end so fast… paki usap ni steph

Magkatabi sila sa lahat ng subjects… as usual Damon was so sweet at tila walang paki alam sa napaka obvious na side comments ng mga tao sa paligid.  Sa halip tila nananadya pa itong ipakita sa kanila ang pagiging sweet nito sa kanya.  Sa buong araw na mgkatabi sila, ni hindi kahit minsang humingi si Damon ng sagot sa kanya during quizzes… Hindi na sya makapag isip ng iba pang maaaring motibo ni Damon sa pagpapanggap na boyfriend nya. Lord, pwede bang kalimutan ko nalang na pangit ako at maniwalang mahal din ako ng taong ito.. Nagulat siya sa kanyang dasal… saan galing yung salitang “din”? Ibig bang sabihin ay tuluyan ng nahulog ang loob nya kay Damon… Di ba yun ang number 1 rule nya sa sarili, falling in love with Mr. Damon Samuel was a “no-no”.  Mortal sin kung baga dahil alam nyang walang idudulot ito sa kanya kundi sakit.  Pero huli na, tuluyan na syang trinaydor ng kanyang puso… She is unconditionally and deeply in love with him.  Damn him, but I love him… yes, I love him… hahaha, napakasarap palang kumawala sa tila napakahirap na pagpipigil nya sa damdamin.  God, kung panaginip man ito, wake me up na pls

“Princess, you ok sweetheart?, kanina ka pang tulala dyan…kanina pa tayo dinissmisss sa klase, mukha yatang ang lalim ng iniisip mo, halika na ihahatid na kita sa inyo”….natauhan sya sa boses ni Damon… Hinawakan ni Damon muli ang mga kamay nya at muli syang inakbayan papalabas ng school… “Wag kang maasiwa sa mga tingin nila, inggit lang ang mga yan….and besides dapat masanay kana sa akin, dahil araw araw ng ako ang nakabakod sa iyo.”… Nasa labas na sila ng school ng pinilit ni Steph na kumawala sa akbay at kamay nito… 
“Ah, di mo na ako kailangang ihatid, kaya ko na ang sarili ko, please, gusto ko sanang umuwing mag isa, this is too much for a day already.”… 
Natigilan si  Damon..di nakasagot… “Thank you, bye”..paalam ni Steph… Nakalayo na sya ng ilang metro ng biglang hinabol sya ni Damon… 
“Look, I’m so tired, I just want to go home peacefully”…pagsisinungaling ni Steph 
“Princess, as much as gusto kitang pagbigyan sa hiling mo, pero kailangan kong sumabay sa iyo… remember, nandun sa inyo ang sasakyan ko.”….rason ni Damon…
 Oo nga pla… nahiya tuloy sya sa nasabi nya.  Nagmukha tuloy syang assuming, eww, kahiya… namumulang nanahimik si Steph, mabuti nalang at gabi na, hindi mahahalata ang pagbablush nya.

Walang imik si Damon habang naglalakad sa tabi nya, marahil ay napagod rin ito sa pagkukunwari buong araw.  Medyo malayu-layo rin ang kanilang nilakad, halos takbuhin na ni Steph ang daan para lang makauwi na sya at matapos na ang kahibangan nyang ito.  Nang makarating na sila sa kanyang boarding house ay si Damon ang bumasag ng katahimikan..  "Goodnight Princess, please make sure your doors are locked, napansin kong maraming mga tambay sa labas."  Di na sya sumagot at patuloy na syang pumasok sa loob ng kwarto nya…

Nakasakay na si Damon sa kanyang kotse ngunit bakit di nya makuhang paandarin ang sasakyan… matagal rin syang nakatitig sa my pinto.  What the hell are you hoping for Damon, that she’ll come out and invite you in?  Damn, but she’s not even your type man?... pagkumbinsi nito sa sarili... 
 Dinial ni Damon ang telepono  Migs, can I ask you a  favor?” “Sure pare, alam mo namang hindi kita mahihindian” sa kabilang linya… 
Pinaandar na ni Damon ang sasakyan at kampanteng umuwi matapos ang pag uusap nila ni Miggie, ang may ari ng security agency na nagpapadala sa kanilang pamilya ng bodyguards.

To be continued...

Next: Part III - No More Pretensions

Previous: Part I - First Encounter
 

3 comments:

  1. Bilis namang mainlove! :) Pero naaliw ako! hahaha :D

    ReplyDelete
  2. I'm sorry to say that my eyes could hardly read the story so
    I adjusted the font... but the story seems to be interesting though.

    ReplyDelete
  3. And just like that, tinapos ko talagang basahin! hahahaha! I remember my high school days where I so love to read stuff like this! Until now I am loving it..makes us think life is simpler :).

    ReplyDelete