Pages

Social Spark

Sunday, February 6, 2011

Part I - First Encounter (In Filipino "Tagalog" dialect)

Guys, for my next post, I want to share with you a short story written by my ex-girlfriend… I really enjoyed reading it… hehehe… hope you do too… God bless…


In to my fantasies and frustrations…
 
Sige..ok lang …di naman ako mamamatay sa mga titig ninyong yan sa akin.. as if di pa ako sanay sa ganyang mga mapanuyang tingin…today, I've decided not to care anymore. Not to care whether people around me accept me or not…today I have decided to walk with my head up and back straight. Hahaha…

Geek..nerd..…yan ang tawag sa kanya…sino nga namang di mag iisip ng ganun eh sa itsura ba naman nyang ganito eh aba talaga namang mukha syang geek…big round glasses,long kinky black hair na parating nka pony tail at not to mention ang napaka old school nyang fashion statement. Ang  kanyang height of 5ft and 6 inches, fair complexion  at curves  ay tagong tago sa kanyang napakaluwang na pantalon and checkered green na polo. Aba eh, mukha talaga syang geek sa  napakabigat nyang packbag, not to mention ang pagkakakapal na  mga librong dala nya…

Sige mamatay sana kayo sa katitingin sa akin… Sige, tawa lang.  Like I care…Deretso lang ng lakad Stephanie… Bakit ba parang napakahaba naman ng corridor na ito?… Nasaan naba ung list of subjects ko…anung room nga ba yung pupuntahan ko?... Nakatingin sya sa kanyang  bag ng biglang…“Hey, anu ba! Could you watch where you're going!”. 

Di sya nakapagsalita… ang bango… at ang tangkad nya… una nyang napansin ang chuck talyor shoes nila na kulay lang ang pinagkaiba . Pula ang sa kanya, blue naman ang sa lalaki…nakadarkwash na levis at gray shirt inside a leather jacket… lalo syang napipi ng kanyang inangat ang kanyang mga mata sa mukha nito…oh my… kaya pala walang gwapo sa lugar namin…nandito pala sa side ng mundong ito… sayang mukha pa naman syang angel, kaya lang ubod naman ng pagkasuplado. Parang di man lang nya napansin na babae yong nabangga nya. Suplado na,  bastos pa, di man lang ako tinulungang tumayo at pulutin yung mga libro ko…. Grrrrr….kaasar!!!

Room 345…at last nahanap din kita…humanap sya ng upuan sa harap na madalas walang naka upo maliban sa mga katulad nyang gustong mg excel sa klase… Anatomy and physiology ang first subject nila.  Madalas syang tumataas ng kamay para sagutin ang mga tanong ni Mr  Lim, dahil ito ang favorite subject nya.  Si Mr. Lim, ang kanilang prof,. ang isa sa pinakaterror sa school nila.  Out of 100%, 30% lang ang mapalad na nakakapasa sa subject nya…

Samantala, sa my pinakalikod ng room… Tsk,tsk,tsk…Pare….if you wish to pass this f*ckng subject, you gotta have a strategy”…..nagkunot ang noo ni Damon sa sinabi ni Jim. Anong strategy?” tanong nya kay Jim... 
  “Ayun pare, nasa harapan ang sagot sa tanong mo…” a ni Jim na nakatingin sa babaing nka green and black checkered sa harapan… Yan, pano naman naging sagot yan, eh wala na ngang ginawa yan sa buong klase kundi ipamukha sa atin na mga bobo tayo.”…

Napangiti si Jim sa sinabi ng kaklase. ”Nakuha mong ibig sabihin ko pare, nasa maling anggulo ka lang.. pare, pag yan ang naging girlfriend mo, tapos ang problema mo tol… Sa talino nyan, siguradong papasa ka sa lahat ng exams mo, plus, di ka na mamumrublema sa assignments and term paper mo… if you get what I mean”

Natahimik sya sa kaiisip, blankong nkaharap sa whiteboard… Mr. Samuel, are you with us?, tanong ni Mr. Lim… Siniko sya ni Jim.  “Uy, tinatanong ka…”... 
“Ah, I’m sorry sir, I did not get the question, can you repeat it pls.?”... 
 Look class, if you don’t have any plans of taking this subject seriously… I suggest you drop it out while you still can coz I don’t want to waste my time with you.” Seryosong sambit sa kanya ni Mr Lim. “That’s all for now class, you’re dismissed.”

“Hahaha…buti nga sa kanya…ubod kase ng yabang, wala naman palang alam., pasekretong napangisi si Steph.

Nasa canteen si Steph, kumakain ng lunch ng biglang my lumapit sa kanya, “Is this seat taken?” Before she could answer, naupo na ang lalaki sa tabi nya... “Hi classmate, I’m so sorry I never got to apologize sa pagkabangga ko sa iyo kanina... my fault, I wasn’t looking... sorry, I hope we can be friends?”… Di sya makapaniwala sa narinig nya…di sya nakapasalita agad... By the way I’m Damon, your?.sabay offer ng lalaki ng kamay nya…So, Damon pala ang pangalan ng preskong to..pero ang gwapo talaga nya, tama sila, ang gagwapo pala ng mga “damonyo”…

“Stephanie” simpleng sagot nya.….di nya tinaggap ang kamay ni Damon, kaya pakunwari nalang nitong isinuklay sa buhok nya ang mga daliri. Nagkunwari syang balewalain ang lalaki pero, mukhang imposible yata, bukod sa napakabango nya, eh napakalakas talaga ng dating nya, nakakaasiwa... pinilit nyang magconcentrate sa nilalaro nyang chess sa kanyang laptop… 
Hmmm, so yan pala ang past time ng mga matatalino?”… 
Kapal talaga…Pwede?... I’m trying to concentrate here”…si Steph.
 Aw, sorry, dika pala makapagconcentrate na nandito ako, ganun nalang ba ang dating ko sayo?”..preskong banggit nito...
 Ah, excuse me? Look, apology accepted ok, now leave me alone please.”….
 Ok, pero mali yung move mo” a ni Damon na  nkatingin sa screen… 
 Excuse me again?”…Inis na tanong nya.  Wala pang sino mang kumuwestyon sa moves nya sa chess, aba sya yata ang team captain ng kanilang team sa school at hindi lang sya magaling dito, napakagaling nya to the point na kayangkaya nyang talunin ang coach nya. 
 “I’m referring to the queen, dapat dinepensahan mo ang horse not the bishop, tsk,tsk,tsk, sinayang mo lang ang plano mong mag check.”….
That’s it!…umaapaw na talaga ang inis ko….what’s with this man, hindi lang pala mayabang, ang kapal pa ng mukha….Like you can beat me, marunong ka bang maglaro, sige nga pakitaan mo nga ako ng MOVES mong sinasabi”..hamon ni Steph.
Di makapaniwala si Damon sa bilis ng takbo ng plano….bingo!...Ok, on one condition…”...
 What condition!”, inis na tanong nya…
 Pag natalo ka girlfriend na kita”….
Di sya nakapaghanda sa kondisyon nayun…..natahimik sya ng sandali…
 What? chicken?”…Hamon rin ni Damon.
 Fine, but if you lose, stay the hell away from me and tell your friends to stop looking at me like I’m some kind of a freak.” ……Done, now when do I get to show you my MOVES?…” pasayaw na sabi ni Damon…..
 How about right now?”…seryosong sagot ni Steph…

To be continued...

Next: Part II - Confusions

27 comments:

  1. As usual ,sa mga teen age love story ,si girl ay pakipot at presko ang dating ng lalaki pero gwapo.Same old story pero nakakakilig pa ring basahin .tom .ko na bashin ang kasunod at may ginagawa ako .

    ReplyDelete
  2. ay.. May ganun? Nice.. :) ganun kasi talaga pag apektado ng emosyon ang ating ginagawa..

    ReplyDelete
  3. typical cute love story ng mga teens.. hehehe!

    ReplyDelete
  4. hihihi exciting to, malamang maging gf na sya ni damon :D

    ReplyDelete
  5. Beautiful short story :) I enjoyed reading. Thank you for sharing.

    All the best for 2012!

    koreandoll | angel

    ReplyDelete
  6. Napakagaling naman nitong si Damon! Gumana agad ang da moves! :))

    ReplyDelete
  7. pocketbook n pocketbook ang dating...nice one!

    ReplyDelete
  8. Natawa ako. Parang totoo lang eh. May pinaghuhugutan ba? Haha. Nice story. Mie kilig factor pa rin. :)

    ReplyDelete
  9. great story...you have a knack for writing fictional prose.

    ReplyDelete
  10. LOL...di ako nagbabasa ng ganito ha pero napabasa mo ako. :P

    ReplyDelete
  11. love the story as written. thanks for this.

    ReplyDelete
  12. nicely written, pwedeng pang pocketbook hihi

    ReplyDelete
  13. great to find a blog in tagalog... sana dumami ito - sana lumaganap ang tagalog pa...

    ReplyDelete
  14. Wow, pwede ka palang writer din ng mga pocket books, puno ng emosyon, hehehe! Happy New Year! =)

    ReplyDelete
  15. hehehe parang pwedeng episode ng TGIS ito (ay sorry, defunct na show na yon, Growing up na pala ngayon)


    ____
    Much love, Christia

    My 7 New Year Resolutions from 2012 from Christia's World

    ReplyDelete
  16. ang ganda ganda ng pagkasulat napabelieve ako grabe

    God Bless!

    how great thou art

    - FranCis

    ReplyDelete
  17. This is really funny. I love the honesty in it. haha. Pwede na nga maging writer!

    ReplyDelete
  18. nakakatawa, i have written stories that are still left undone, it seems i'd rather blog than to write it in a whole story book :)

    ReplyDelete
  19. Nakaka tawa na nakaka aliw naman ang post na to. Nice thoughts ni ex-gf, pang TV script! highly entertaining. :)

    ReplyDelete
  20. hehe exciting toh!!! bravo :)

    ReplyDelete
  21. Haha...precious heart? hehehe nice one! Ralph....

    ReplyDelete
  22. Hehe, ang galin naman ng blog na ito.napabelieve din ako, grabe.keep on posting po, visit ako ulit.

    ReplyDelete
  23. feeling ko ngbasa aq ng pocketbook s laptop ko haha nkakamiss din mgbasa ng tagalog lalo n pg gnitong mga topic mga teens ba hehe xx

    ReplyDelete
  24. I can actually imagine the characters talking with the guys smooth moves and the girls a bit strong.

    ReplyDelete
  25. sounds like virutal pocketbook for me!! love reading somthing like this! maiba nmn and to rest the mind for abit from blogging. this post looks very good to me! xx

    ReplyDelete
  26. nakakakilig pa rin basahin :). After all these years, I'm still a sucker for love stories...

    ReplyDelete